Tuesday, January 26, 2010

7

KABANATA I
Rasyonale: Hindi ba sa tuwing maririnig ng ating pandinig ang salitang ito, nalalarawan agad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?. Mga iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian.

Ang lahat ay hahanga sa ganitong tanawin, hindi ba? Paano nga ba hindi ka mahahalina sa, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng kanyang mga pangangailangan upang mabuhay sa mundo na kanyang ginagalawan? Dito ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamangha mangha na tanawin na nagbibigay ginhawa at nagpapangiti sa atin. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Panginong Lumikha (Allah) dahil sa kanyang dakilang pagmamahal sa tao, sa lahat ng kanyang nilanlang dito sa sansinukob.

Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago ang buong sanlibutan? Sa ating kalikasan?

Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa mundo at sa ating napakagandang kalikasan, at ang katotohanang ito’y ‘di lingid sa ating kaalaman. At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, saksing nagbubulagbulagan sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Tao ang nagging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.

Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, Papaano, nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan? Ito ba ay dahil sa pagbabago; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?Nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya. Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Kabilang din ang pagtaas ng bilang populasyon kasabay din ang pagdami ng mga umaasa sa mga kayamanang galing sa kalikasan. Ngunit nakakalungkot ding isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan, partikular na ang mga kagubatan at ang mga buhay na nakapalood dito.kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan. Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan. Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan. Tunay ngang kabigha-bighani ang kagandahang dulot nitong ating Inang kalikasan. Nariyan ang kahanga-hangang mga pulo na napapalibutan ng maaamong karagatang pinagyaman ng mga laman nito tulad halimbawa ng isda, alimango, hipon, talaba at marami pang iba na syang pangunahing ikinabubuhay ng marami sa ating mga Filipino. Biniyayaan din tayo ng kaakit-akit na mga tanawin at ilang malalawak na mga lupaing kagubatan na syang pugad at himlayan ng maiilap na hayop at iba pang kaaya- ayang laman nito na talaga namang maipagmamalaki natin dahil tanging dito lamang matatagpuan ang mga ito sa "Pinas": gaya na lamang ng Philippine Monkey-Eating Eagle ng Davao na pumupugad sa pusod ng bundok Apo, ang Tamaraw at Pilandok (mouse deer) ng Palawan at marami pang iba. Ganoon pa man, ang mga ito ay ilan lamang sa mga natatanging biyayang ipinagkaloob sa atin ni Inang kalikasan upang alagaan at panatilihin para magamit hindi lang ngayon kundi pati sa mga susunod pang henerasyon.Kung magpapatuloy pa ang ganitong kalakaran, anong kapaligiran kaya ang naghihintay para sa susunod pang kabanata ng buhay ng tao...?

Ay isa sa pinaka mapanirang sakuna na dapat paghandaan ng tao. Kahit na ang pinakamahinang baha ay nagdudulot ng mga kaabalahan.
Maaring magimg sanhi ng libong pisong sira sa mga kalsada at tulay, mga gusali at ibamg pang-ekonomiyang gawain, pagkawala ng mga pang-agrikulturang pananim at mga alagang hayop. Pagkawala ng buhay ng tao na tuwirang sanhi ng mga baha gaya din ang kahirapan at kaugnay na panlipunang pangkabuhayan na ng problema ng trabaho at ang bigat ng damdamin sa mga naapektohan.Isa sa mga sanhi nito ay ang pagputol ng mga puno sa kagubatan (illegal logging). Ang likas na sanhi ay ang kababalaghan tungkol sa tubig. Ang pagdating nito ay karaniwang bunga ng mga pangyayari na may kinalaman sa atmosphera.
Marami ng mga pagbabago sa ating kapaligiran, unti-unti na na kakalbo ang ating mga kagubatan. Marami ng basura na nakakalat kahit saan. Sadyang nakakapanlumong tignan. Walang pakialam ang ibang tao kahit saan na lang tinatapon ang kanilang mga basura imbis na atapon sa tamang lugar. Wala rin pakundangan ang pagputol ng mga punong-kahoy sa kaguban. Dapat sana ay palitan kung ano man ang pinutol na puno nila. Maaari pa naman nating mainsalba ito sa pamamagitan ng pagdisiplina sa ating mga sarili. Dapat nating isipin na tayo rin ang mahihirapan sa bandang huli dahil sa walang pakundangan na pagsira sa ating kalikasan.
Maraming henerasyon na ang nagdaan at habang tumatagal ay nagbabago ang estado ng ating kalikasan.Kung noon ay nakakalanghap tayo ng sariwang hangin ngayon ay maruming usok na nanggagaling sa mga pabrika at tambutso ng mga sasakyan ang ating malalanghap.Nauubos na rin ang mga punongkahoy sa mga kagubatan dahil sa patuloy na ilegal na pagputol nito.Ang mga basura naman ay kung saan-saan na lang tinatapon na nagiging sanhi ng pagdumi na mga ilog at karagatan at pagbara ng mga kanal na nagiging sanhi naman ng pagbaha.Lubhang nakakalungkot ang pagbabagong nangyayari sa ating kalikasan na tayo naman ang may kagagawan.Ngunit hindi pa huli ang lahat.May panahon pa para matigil ang patuloy na pagkasira na ating kalikasan.Kaya hanggat hindi pa huli ang lahat simulan na natin ang pagligtas sa ating kalikasan na magandang biyaya sa atin ng Poong Maykapal.


No comments:

Post a Comment