Monday, January 25, 2010

4

PANALANGIN
GOD THE SON,kami po ay dumudulog sa Iyong butihing puso upang pagkalooban Mo po kami ng liwanag ng pasya at isipan – kami nawa ay matutong mangalaga, at huwag sirain ang Iyong likhang-kalikasan. Huwag nawa kaming malinlang ng munting halaga o pansamantalang hanap-buhay kung ang magiging kapalit nito ay magdudulot ng malaking pinsala, sakit na walang lunas at higit sa lahat ay kamatayan sa mga taong maliliit, na magiging biktima ng mga naging gahaman sa kikitaing yaman at sa mapandayang alok ng tinatawag na kaunlaran.

GOD THE FATHER,pinupuri ka namin sa Iyong mga kahanga-hangang nilikha – ang kagandahan ng kalikasan ay nagbibigay ng bagong lakas sa amin, ang sariwang hangin ay nagdudulot ng kalusugan, ang mga halama’y nagbibigay ng pagkain upang patuloy kaming mabuhay, at ang matiwasay na kapaligiran ay ipinagkakaloob mo upang mapayapa kaming mamuhay ayon sa iyong kalooban.


GOD THE HOLY SPIRIT,Bigyan Mo po kami ng lakas, tapang at tibay ng kalooban upang ganap naming mapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran na siyang salalayan ng aming buhay. Nawa’y ito’y aming maipagtanggol sa mga mapagsamantala at mga mapanlinlang at patuloy kaming magka-isa para itaguyod ang kapakanang panlahat at ang kaganapan ng buhay.

No comments:

Post a Comment